WORLD TEACHER‘S DAY | P3,000 bonus ng mga guro, inanunsiyo ni Sec. Briones

Manila, Philippines – Inanunsyo ngayon ni Education Secretary Leonor Briones na magkakaroon ang mga guro ng P3,000.00 bonus sa Disyembre.

Kasabay ng kanilang anibersaryo ng teacher’s day, sinabi ni Briones na ito ay para sa bawat guro at hindi nakadepende sa posisyon.

Maliban dito, naniniwala din si Briones na maisasakatuparan ang P1,500.00 na special bonus kapag sumasapit ang Oktubre 5, simula sa susunod na taon.


Nabatid na nakapaloob daw kasi ito sa 2019 proposed national budget na pinag-uusapan ngayon sa Kamara at Senado.

Ipinaliwanag pa ng kalihim na ang umiiral na Salary Standardization Law ay kanilang ipinapatupad kung saan tataas pa daw ang sahod at halaga ng benepisyo ng mga teachers sa susunod na taon.

Facebook Comments