Ang mag-asawang tumanggap ng nasabing halaga ay sina alyas “Harold” at alyas “Linda”, may dalawang maliliit na anak at kasalukuyang naninirahan sa bayan ng Sto. Niño, Cagayan.
Binigyang diin naman ni BGen Steve Crespillo, Commanding Officer ng 501st Brigade, Philippine Army na kailangan pang pabilisin ang pagbibigay ng nasabing tulong sa mga former rebels para mahikayat pa ang iba pang rebelde na sumuko na rin sa gobyerno.
Ito aniya ang kanilang isang nakikitang solusyon upang tuluyang matapos ang suliraning insurhensiya sa buong bansa.
Bukod dito, tinalakay na rin ng mga iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan mula sa Department of Interior and Local Government, Provincial Social Welfare and Development Office, Philippine Army, Philippine Navy, Philippine Marines at Philippine National Police ang mga rebeldeng nagsisuko noong nakaraang taon kung pasok ba sila sa mga batayan upang maging benepisyaryo ng nasabing E-CLIP program.
Nasa 18 naman sa 37 na mga rebelde ang pasok sa nasabing batayan.
Ang E-CLIP program ay isang serbisyo at tulong pinansyal na ibinibigay sa mga kwalipikadong mga rebelde na kusang sumuko sa pamahalaan.