Mag-asawang Mikael Daez at Megan Young, planong sa probinsya na lang manirahan

143

Posibleng iwan na ng mag-asawang Mikael Daez at Megan Young ang buhay sa siyudad at sa probinsya na lamang manirahan.

Ito ang inihayag ng mag-asawa sa kanilang podcast na handa nilang iwan ang stressful at walang katapusang traffic sa Metro Manila na malaki ang nagiging epekto sa pisikal at mental nilang kalusugan.

Ang Subic, Zambales raw ang number 1 sa kanilang gustong probinsya dahil ito ang hometown ng aktres.

Pasok din sa listahan ng dalawa ang La Union para sa ‘by the beach’ lifestyle o hindi kaya ay mangibang bansa na lamang.

Facebook Comments