Mag-asawang suspected Narco-Businessmen Arestado sa Pigcawayan

212

Arestado ng PDEA 12 ang mag asawang di umanoy myembro ng Simbualan Drug Syndicate na nag ooperate sa North Cotabato at mga kalapit lalawigan.

Kinilala ni PDEA 12 Director Gil Castro ang mga naaresto na sina Richard at Jeanette Balbini na mga residente ng Poblacion 2 Pigcawayan.

Nakumpiska mula sa kanilang pag iingat ang nasa 50 grams ng Shabu na nagkakahalaga ng 250K, mga bank documents, isang unit ng 22 Caliber at 9 mm na pistol.

Kabilang sa High Value Target ang mag-asawa at sinasabing kabilang sa Narco-Businessmen at konektado rin sa ilang Narco Polticians di lamang sa rehiyon 12 kundi maging mga nasa kalapit rehiyon dagdag ni Director Castro.

Kasalukuyang nakapiit na sa Jail Facility ng PDEA 12 ang mga naaresto at nahaharap na sa kaukulang mga kaso.

Facebook Comments