Mag ina pinagtataga, suspek patay!

Patay ang isang 56 anyos na ginang habang sugatan ang anak nitong 32 anyos matapos pagtatagain sa Poblacion Mother Cotabato City alas tres kahapon ng hapon .
Kinilala ang mga biktima na sina Sinolan Bagundang na dead on the spot matapos magtamo ng multiple hacked wounds sa ibat ibang bahagi ng katawan habang naisugod sa ospital si James.
Sa report ng PNP, sa di malamang rason bigla na lamang pumasok sa pamamahay ng mga biktima sa Salamat Compound ang suspek na kanila ring kapitbahay na kinilalang si Sanny Panalangin 50 anyos.

Matapos ang insidente agad na nakapagresponde ang mga elemento ng Station 1. Nanlaban umano ang suspek resulta ng pagbabarilin ito sanhi ng kanyang kamatayan.
Napag-alaman naman ni CD Rolly Octavio na may problema sa pag iisip ang nasawing suspek.( with reports from Mubarak Lauban and Nash Alfonso)

Facebook Comments