Manila, Philippines – Dapat na maging eye opener o mas dapat na maging maingat ang mga Pilipino.
Ito ang pahayag ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde kasunod ng mga bomb threat na natatangap ng mga dating matataas na opisyal ng Amerika.
Aniya posibleng mangyari rin sa bansa ang mga bomb threat sa Amerika lalot global o buong mundo aniya ang banta ng terorismo.
Sa ngayon aniya ang pinaka magagawa ng mga Pilipino ay maging mapagmatyag at makipag tulungan sa mga awtoridad para mapigilan ang anumang plano pang paghahasik ng terorismo.
Sa panig aniya ng Philippine National Police, mayroon na sila CBRNE Van o Chemical, biological, radiological, nuclear and Explosives Van na may kakayanang mag detect ng mga dangerous materials na ginagamit lalo na sa mga malalaking event na ginagawa sa bansa.
Nagpapatuloy aniya sa ngayon ang pagsasanay sa mga pulis para sa paggamit nito kasabay pa ng pakikipag ugnayan sa kanilang mga counterparts.
Sa report ng New York Police District, sunod sunod na nakatanggap ng bomb threat sina dating US Pres Barrack Obama, dating US secretary of state Hillary Clinton at iba pang kilalang personalidad sa Amerika sa pamamagitan ng pagpapadala ng Explosive devices.