Manila, Philippines – Bagama’t bumaba ang kaso ng Leptospirosis, tumaas naman ang bilang ng mga nagkakasakit ng Dengue.
Sa monitoring ng Department of Health (DOH), 10 na lamang ang kaso ng Leptospirosis hanggang noong nakaraang Linggo.
Paliwanag ni Health Sec. Francisco duque III – ang pagbaba ng kaso ng Leptospirosis ay bunsod ng madalang na pag-uulan at ang maigting na information campaign ng ahensya.
Subalit base naman sa epidemiology report, nagkaroon ng 20% na pagtaas sa kaso ng Dengue kung saan mula sa 5,968 cases ay mayroon ng 7,778 cases.
Paalala ng DOH sa Publiko, panatilihing malinis sa loob at labas ng bahay at dapat pagbutihin ng lokal na pamahalaan ang flood control at regular na koleksyon ng basura.
Facebook Comments