Sunod-sunod na banta ng pagpapasabog, natatanggap sa lalawigan ng Zamboanga Del Sur

Zamboanga Del Sur, Philippines – Sunod-sunod na banta ang natatanggap ngayon sa lalawigan ng Zamboanga Del Sur mula sa hindi pa kilalang grupo sa pamamagitan ng paglalagay ng mga kahina-hinalang bagay lalong-lalon na sa mga matataong lugar.

Kagabi lang isang kahina-hinalang maliit na pormang kahon ang inilagay malapit sa Intergrated Bus Terminal sa bayan ng Molave na agad namang nirespondihan ng Explosive and Ordnance Division Team dahil may nakitang mga wiring sa labas ng kahon subalit negatibo ito sa mga sa mga sangkap ng bomba.

Habang noong isang gabi rin, mabilis na nakapagresponde ang mga kasapi ng EOD team sa Integrated Bus Terminal sa siyudad ng Pagadian dahil sa kahina-hinalang bagay na iniwan sa terminal subalit negatibo rin sa sangkap ng bomba subalit may inilagay na mga wirings na para na ring isang bomba.


Makalipas ng isang oras, isang tawag rin mula sa Pagadian Public Market ang nirespondihan ng EOD Team dahil sa kahina-hinalang bagay sa loob ng public market subalit napag-alamang mga wirings rin ang nakikita sa labas ng kahon subalit wala ring components sa paggawa ng bomba.

Sa ngayon todo-alerto ang mga kasapi ng pulisya sa buong siyudad ng Pagadian dahil posebling may mga grupo di umanong nais sakyan ang kaguluhan sa Marawi City, kaya mas pinaalalahanan ngayon ang taong bayan.
DZXL558

Facebook Comments