Mag-live in Partner na Sumuko sa Oplan Tokhang, Huli sa Buybust Ops!

*Cauayan City, Isabela-* Bagsak sa kulungan ng mag- live in partner na dating sumuko sa Oplan Tokhang matapos mahuli sa isinagawang drug buy bust operation ng mga otoridad sa Brgy. Turud Sur, Cordon, Isabela.

Nakilala ang mga suspek na sina Fedelisa Evangelista, 31 anyos, walang trabaho at Riehmar Fernandez, 30 anyos, welder at kapwa residente sa Barangay Turud Sur, Cordon, Isabela.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Lt. Allan Batara, Officer in Charge o OIC ng PNP Cordon, nadakip ang dalawa sa kanilang ikinasang drug buybust operation kamakalawa katuwang ang Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni P/Major Alexander Rodrigo at Regional Drug Enforcement Unit sa pangunguna naman ni PCaptain Rodel Gervacio.


Nakuha ng mga otoridad sa pag-iingat ni Evangelista ang isang heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at ang limang daang piso (P500.00) na marked money.

Nakatakdang samapahan ngayong araw ng kasong may kinalaman sa paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang dalawang suspek.

Facebook Comments