MAGAGAMIT NA | Parañaque Integrated Terminal Exchange, inaasahang mabubuksan sa Oktubre

Inaasahang mabubuksan na sa unang linggo ng Oktubre ang ParaƱaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), malapit nang makumpleto ang konstruksiyon ng nasabing terminal na nasa 98 porsiyento na ngayon.

Oras na mabuksan ang PITX, ang lahat ng bus at UV express na galing sa southern part ng Luzon ay sa naturang terminal na lamang maaaring magbababa at magsasakay.


Ang mga bus ay gagamitan ng ticketing system na mayroong QR codes na kayang basahin gamit ang smart phones.

Inaasahang aabot sa 200,000 commuters ang maseserbisyuhan ng PITX kada araw.

Facebook Comments