Magandang economic stewardship ni PBBM, dahilan ng pagtaas ng gross domestic product ng bansa ayon sa Malakanyang

Dahil sa magandang economic stewardship ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kaya tumaas ang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa sa fourth quarter ng taong 2022.

Sa isang pahayag, sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan na nanatili ang pagtaas ng ekonomiya ng bansa sa harap na rin ng patuloy na pagpupursige ng gobyerno para mapaangat muli ang ekonomiya ng bansa sa high growth trajectory kung saan magreresulta ito sa mas magandang trabaho at mapabilis ang pagbawas ng mga naghihirap.

Batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), nakapagtala ang bansa ng 7.2 percent GDP sa fourth quarter ng taong 2022 kaya lumalabas na umaabot sa 7.6 percent ang GDP para sa buong taon ng 2022.


Ayon sa PSA, ang main contirbutors ng 4th quarter 2022 growth rate ay ang wholesale at retail trade; repair ng motor vehicles at motorcycles na umaabot sa 8.7 percent; financial and insurance activities na may 9.8 percent; at manufacturing, 4.2 percent.

Bukod sa mga dahilan ito ayon kay Balisacan, napaangat ng gobyerno ang COVID-19 risk management at napaganda ang mobility restrictions kaya yumabong ang economic activity na nagresulta sa mas maraming trabaho sa kabila na mga kinakaharap na problema.

Facebook Comments