DFA, kinumpirma ang report hinggil sa Filipino transgender na natagpuang patay sa New York

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na iniulat sa kanila ng Philippine Consulate General sa New York, USA ang pagkamatay ng isang Filipino transgender sa isang hotel sa New York.

Ayon kay Foreign Affairs Spokesperson Teresita Daza, inabisuhan ang konsulada ng Office of the Chief Medical Examiner ng New York City hinggil sa Filipino descent na natagpuang wala nang buhay sa loob ng kanyang hotel room.

Ideneklara aniya itong patay nang dumating sa ospital.


Nakipag-ugnayan na rin ang Philippine Consulate sa pamilya ng Pinoy sa Davao para sa disposition ng mga labi nito.

Facebook Comments