Palasyo, nakikiramay sa pagpanaw ni Cardinal Ricardo Vidal

Manila, Philippines – Nagpaabot ng pakikiramay ang Palasyo ng Malacanang sa pagpanaw ni Cebu Archbishop Emeritus Ricardo Cardinal Vidal kaninang umaga.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella malaki ang ginampanang papel ni Vidal para sa mga mananampalataya at marapat pang na ito ay kanilang pasalamatan.

Ikinwento din ni Abella na maganda ang relayon ni Pangulong Rodrigo Duterte at Cardinal Vidal at isa ito sa unang humarap kay pangulong Duterte nang manalo ito sa halalan at nangako aniya ito na ipagdarasal ang Pangulo at ang kanyang administrasyon.


Facebook Comments