Cauayan City, Isabela- Ipinagbibigay alam sa lahat ng mamamayan na nakatira malapit sa ilog Magat, na ang National Irrigation Administration (NIA) ay magbubukas ng isa pang spillway gate na magpapakalawala ng dalawang metrong tubig (2m).
Ito ay katumbas ng apat na raang metro kubiko bawat segundo (400 cms) sa ganap na ika-9 ng umaga (9:00 AM) ngayong araw (November 12, 2020).
Maaaring ito ay madagdagan o mabawasan depende sa lakas ng ulan sa Magat Watershed.
Ito ay upang mapanatili sa ligtas na level ang Magat Dam.
Pinapayuhan din ang lahat na iwasan ang pagtawid o pamamalagi sa tabi ng ilog dahil ito ay mapanganib.
Gayundin ang mga gamit at alagang hayop na dalhin na sa ligtas na lugar.
Makinig sa radio ar manood sa telebisyon para sa mga susunod na mga ulat panahon at sa kalagayan ng pagpapakawala ng tubig mula sa Magat Dam Spillway Gate.