Magat Dam, May Posibilidad na Magpapakawala muli ng Tubig

Cauayan City, Isabela- Mayroong tiyansa na muling magpapakawala ng tubig ang Magat Dam dahil sa patuloy na nararanasang pag-ulan.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Engr. Wilfredo Gloria, Department Manager ng National Irrigation Administration- Magat River Integrated Irrigation System (NIA-MARIIS), wala pa silang binubuksang spillway gate sa kasalukuyan dahil wala pa sa critical level ang tubig sa Magat Dam.

Ibinahagi nito na as of 7:00 AM ngayong araw, November 9, 2020, ang reservoir water level ng Magat ay nasa 189.53 meter above sea level, ang Inflow ay 1827-cubic meter per second, 187-cubic meter per second ang Outflow habang ang spilling level ay umabaot sa 193.00 masl.


Ayon pa kay Engr. Gloria, dahil sa patuloy na pag-uulan ay kasalukuyan namang minomonitor ang magat water shed upang makita at mabantayan kung ano ang magiging dulot nito sa reservoir.

Sakaling hindi aniya kayang imentain ang tubig sa reservoir ay mayroon nang posibilidad na magpapakawala na ng tubig ang Magat.

Muli namang nagpapaala si Engr Gloria sa publiko lalo na sa mga nakatira sa ilog at malapit sa mga bundok na ibayong pag-iingat, maging alerto at manatiling makinig para sa mga impormasyon at balita kaugnay sa sitwasyon ng panahon.

Facebook Comments