Cauayan City, Isabela- Binawasan na ang dami ng tubig na pinapakawalan ng Magat Dam.
Batay sa pinakahuling panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Engr Wilfredo Gloria, Department Manager ng NIA-MARIIS ngayong araw, ipinapaalam nito na nabawasan na ang dami ng pinapakawalang tubig.
Bagamat 7 na gates pa rin ang nakabukas, nabawasan ang opening ng spillway radial gate #5 na mula 4 meters ay naging 2 meters na lang.
Ito’y dahil na rin sa pagbaba ng pumapasok na tubig mula sa upstream ng Magat Dam.
Ang water level ngayon ng Magat Dam ay nasa 192.64m, ang Inflow ay 3,984-cubic meters per second habang ang Outflow ay 4267-cubic meters per second.
Facebook Comments