Vice Ganda, ikinukwento ang mala-delubyong naranasan sa Bagyong Ulysses

67

Ikinukwento ni Vice Ganda ang naranasan hagupit ni Bagyong Ulysses habang nagbabakasyon sa Balesin Island Club.

Martes ng umaga nang lumipad ang grupo ni Vice kasama ang boyfriend na si Ion Perez sa Polillio sa Quezon Province para makapagbakasyon pero hindi nila sukat akalain na mararanasan ang pagragasa ng malakas na bagyo.


Malalakas na hampas ng hangin at malalaking alon sa beach ang nasaksihan ng grupo ni Vice noong Miyerkules sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyo sa lugar.

Dalawang beses pa umanong lumipat ng villa matapos na mawasak ang kanilang tinutuluyan.

Aminado si Vice na sobrang natakot sila sa naranasan na tinawag pa niyang isang “delubyo”.

Sa kabila nito, ligtas naman ang grupo ni Vice na kinabibilangan ng co-host at kaibigang si Jhong Hilario, longtime partner ni Jhong na si Maia Azores, kapatid ni Vice na si Babot Viceral, kanyang makeup artist na si Glorious Asaral at former ABS-CBN employee na si Manny Segunto.




Facebook Comments