MAGAT DAM sa Isabela, magpapakawala ng Tubig bukas bilang paghahanda sa ‘Bagyong Ramon’

*Cauayan City, Isabela*- Asahan ang nakatakdang pagpapakawala ng tubig sa Magat Dam Reservoir sa Ramon, Isabela bukas ng umaga.

 

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Engr. Eduardo Ramos, Magat Dam Division Manager, isang spillway gate ang kanilang bubuksan bukas ng umaga sa ganap na ala-dyes at katumbas ito ng 200 cubic meter per second na tubig ang kanilang papakawalan.

 

Ayon pa kay Engr. Ramos, ito ay upang mabawasan ang lebel ng tubig sa Magat dam reservoir na ngayon ay nasa 191.26 meters mula sa spilling level nito na 193 meters para paghandaan ang pagtama ng ‘Bagyong Ramon’.


 

Dagdag pa ni Ramos na kung mararanasan ang malakas na buhos ng ulan dulot ng bagyo sa Isabela ay posibleng madadagdagan ang kanilang papakawalang tubig mula sa spillway gate.

 

*tags: 98.5 * *iFM Cauayan, 98.5 RMN, Engr. Eduardo Ramos, Magat Dam, Ramon Isabela, NIA-MARIIS, Cauayan City, Luzon*

Facebook Comments