Cauayan City, Isabela- Tuloy-tuloy pa rin ang pagpapakawala ng tubig sa Magat Dam dahil sa mataas pa rin na lebel ng tubig.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Engr. Wilfredo Gloria, Department Manager ng National Irrigation Administration-Magat River Integrated Irrigation System (NIA-MARIIS), nagsimula dakong 4:11 ng hapon kahapon ang kanilang pagpapakawala ng tubig.
Isang (1) unit lamang ng spillway gate ang binuksan kahapon na may 2 meters opening at may discharged na 185 cubic meter per second kaya’t kung susuriin ay manipis lamang ang itinaas ng lebel ng tubig sa mga ilog na madadaanan ng Magat Dam.
As of 5am ngayong araw, Oktubre 22, 2020 ay nasa 891 cms na ang inflow, 709 cms outflow habang ang reservoir elevation ay nasa 191.21 meters above sea level.
Ayon pa kay Engr Gloria, hindi pa ipinatitigil ang pagpapakawala ng tubig upang hindi maabot ang spilling level ng Magat Dam na 193 meters.
Wala din pinal na araw kung kailan ititigil ng Magat Dam ang pagpapakawala ng tubig hanggat hindi pa naaabot ang target na tamang lebel ng tubig.