Magbitiw o tumulong sa reporma, giit ng customs chief sa kanyang mga tauhan

Nagbabala ang pinuno ng Bureau of Customs (BOC) sa mga tauhan nito na magdesisyon na kung mananatili o magbibitiw.

Ayon kay BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero – walang ibang patutungunan ang mga empleyado ng ahensya sa kanyang pamumuno kundi dalawang bagay lamang: tulungan siya na sugpuin ang korapsyon o mag-resign.

Kung nais nilang manatili, samahan siya sa pagpapatupad ng reporma at pagsasaayos ng sistema sa BOC at paangatin ang imahe at tiwala ng publiko sa ahensya.


Ang mga hindi makakasunod at makakatupad ng alituntunin ng ahensya ay mabuting humiwalay na lang.

Sa ika-apat na SONA, binanggit ni Pangulong Duterte na sa kabila ng korapsyon ay nakapagkolekta ang BOC ng 585 billion pesos para sa taong 2018.

Sa ngayon, nasa 52 customs employees ang nahaharap sa administrative cases dahil sa pagkakasangkot sa katiwalian at inilagay sa floating status.

Facebook Comments