Manila, Philippines – Inanunsyo ni Chief Justice Lucas Bersamin ang dress code na ipatutupad niya sa mga empleyado sa hudikatura.
Hiniling din ni Bersamin sa lahat ng court employees na kung maari ay collared shirts o may kwelyong damit lamang ang isuot.
Sa mga kababaihan namang nagsusuot ng sleeveless shirts, dapat anyang magsuot ng blazer.
Pinagbabawal rin ng punong mahistrado ang pagsuot ng mini skirts at shorts kapag nasa trabaho ang court employees.
Mahigpit rin ang bilin ni Bersamin na iwasan ang paggamit ng cellphone habang nasa pampublikong lugar o mataong lugar sa bisinidad ng mga korte o Hall of Justice.
Facebook Comments