Tuesday, February 3, 2026

Magiging pasya ng House Committee on Justice ukol sa sufficiency in substance ng impeachment complaint vs PBBM, maaring baliktarin sa plenaryo ng Kamara

Maaaring mabago o mabaligtad pagdating sa plenaryo ng Kamara ang magiging desisyon ng House Justice Committee ukol sa sufficiency in substance ng dalawang verified impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Paliwanag ni House Committee on Justice Chair Gerville Luistro, kung sa botohan bukas ay magpagsya ang mga miyembro ng komite na sufficient in substance ang reklamong impeachment laban sa Pangulo ay tuloy ang impeachment proceedings at magpapadala ng notice para makuha ang tugon ng respondent.

Pero ayon kay Luistro, kung magdesisyon naman ang komite na hindi sufficient in substance ang impeachment complaint ay ititigil na nila ang pagdinig at gagawan nila ito ng committee report na kailangang paaprubahan sa plenaryo.

Paliwanag ni Luistro, pagdating sa plenaryo ay maari itong pagtibayin o kaya ay baligtarin ng 1/3 votes ng mga kongresista.

Dagdag niya, kapag nangyari ito ay ibabalik sa kanila ang committee report at maoobliga silang bumuo ng articles of impeachment.

Facebook Comments