Manila, Philippines – Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na susundin niya kung ano man ang maging rekomendasyon ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police sa Martial Lawsa buong Mindanao.
Ayon kay Pangulong Duterte, kapag sinabi ng AFP at ng PNP na delikado o kritikal pa ang sitwasyon ay hindi niya tatanggalin ang batas militar pero sa oras aniyang sabihin ng mga ito ay maaari niya itong tanggalin.
Paliwanag ng Pangulo, ang AFP at ang PNP ang nasa lugar at ang nakakaalam ng tunay na sitwasyon kaya aasa lang siya sa anomang irerekomenda ng mga ito.
Matatandaan na sinabi ni AFP Spokesman Brigadier General Restituto Padilla na hanggang hindi pa natatapos ang assessment sa Mindanao ay hindi pa sila makapagrerekomenda kay Pangulong Duterte.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558
Magiging rekomendasyon ng AFP at PNP sa Martial Law susundin ni Pangulong Duterte
Facebook Comments