“Be a Hero, Donate Blood”
Inaanyayahan namin kayo mga ka-Radyoman na makilahok sa isasagawang bloodletting activity ng RMN Foundation, DZXL 558 RMN Manila at Philippine Red Cross ngayong araw.
Aarangkada na ito mamayang alas 8:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon dito sa DZXL 588 RMN Manila sa 4th floor Guadalupe Commercial Complex, Barangay Nuevo, Makati City.
Sa mga gustong lumahok kinakailangan lamang na :
Nasa magandang kondisyon ang pangangatawan
Nasa edad 16 hanggang 65 taong gulang
Hindi bababa sa 50 kilograms ang timbang
Magkakaroon ng physical examination bago ang blood donation kaya dapat ay:
May sapat na tulog ng hindi bababa sa limang oras pataas
Hindi uminom ng alak sa loob ng 24-oras
Hindi naggagamot o may maintenance
Bagong butas sa tenga o anumang parte ng katawan
Walang bagong tattoo