Magkaibigan na Dinakip sa Pambubugaw, Kinasuhan Na

53

Cauayan City, Isabela- Kinasuhan na ang dalawang magkaibigan na naaresto sa pambubugaw sa Brgy. Calamagui 1st, City of Ilagan, Isabela.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PltCol. Jeremias Oyawon, Provincial Officer ng CIDG Isabela Provincial Field Unit, kasong Human Trafficking ang isinampa kahapon sa magkaibigang sina Mary Ann Balisi, 47 anyos, vendor, residente ng Brgy. Calamagui 1st at Joe Michael, 29 anyos, binata at residente naman ng brgy. Baligatan sa Lungsod ng Ilagan.


Magugunita noong unang araw ng kasalukuyang buwan (Enero 1, 2020) nang mahuli sa isinagawang entrapment operation ng mga otoridad ang dalawang suspek dahil sa pambubugaw ng mga ito sa isang menor de edad na mula sa Benito Soliven, Isabela.

Unang nakatanggap ng ulat ang CIDG Isabela mula sa concerned citizen kaugnay sa ginagawang pambubugaw ng mga suspek kaya’t agad na naglatag ng operasyon na nagresulta sa pagkakahuli ng magkaibigan.

Nakakulong na sa Provincial Jail ang dalawang bugaw matapos na ipasakamay ng CIDG Isabela.

Facebook Comments