MAGKAISA | Isang sambayanan na nagkakaisa laban sa paglabag sa karapatang pantao, hiling ng CHR sa 2018

Manila, Philippines – Pangunahing hiling sa 2018 ng Commission on Human Rights na magkaisa ang Sambayanang Pilipino at maninindigan na ipaglaban ang karapatang pantao.

Ayon kay Jacky De Guia, spokesperson ng CHR, natutuwa sila dahil sa 2018 budget na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte, hindi napasama ang CHR sa mga line item na na veto ng punong ehekutibo.

Isa aniya sa pinakamagandang regalo na tinanggap nila sa pasko ay ang pagkakabalik ng budget ng ahensya.


Makakaasa aniya ang publiko na sa pagsapit ng 2018, gagastusin nila ang naibigay sa kanilang budget sa mas pinaigting na imbestigasyon sa mga kaso at pagkakaloob ng legal assistance sa mga biktima paglabag sa karapatang pantao.

Facebook Comments