Manila, Philippines – Magkakaroon na ng “live scan fingerprint verification system” sa lahat ng mga polling precincts sa darating na 2019 midterm elections.
Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez – sa pamamagitan ng live scan fingerprint verification system, matutukoy agad kung ang isang botante ay nakarehistro na partikular sa pinasukan nitong polling precinct.
Layon aniya nito na gawing mas systematic ang pagdaraos ng halalan sa susunod na taon.
Samantala, sa Nobyembre sisimulan na ng COMELEC ang pagdinig para sa mga nuisance candidate at gagawin itong bukas para sa publiko.
Facebook Comments