MANILA – Ipinagpatuloy ngayong araw ng senado ang ikaapat na pagdinig sa $81 million na ninakaw sa Central Bank of Bangladesh.Sa simula ng pagdinig, winarningan ni Senate Blue Ribbon Committee Head Senador TG Guingona si Philippine Remittance Co. (Philrem) owner SaludBautista kaugnay sa hindi nito magkakatugmang pahayag sa kanilang mga transaksyon.Una nang hiniling ng senado sa Philrem Company na magsumite ng paper trail ng lahat ng kanilang mga transaksyon para mapatunayan kung wala na o nasa kanilang pangangalaga pa ang $17 million mula $81 million na ninakaw mula sa Bank of Bangladesh.Dumipensa naman ang asawa ni Salud na si Michael Concon Bautista at sinabi na sa tagal na ng Philrem ay wala pa silang panget na record na naitala.Kabilang din sa mga dumalo sa pagdinig ang isang ambassador at tatlong opisyal ng Bangladesh.Matatandaang sa ikatlong senate hearing noong Marso 29, mariing itinanggi ng Chinese casino junket agent na si Kim Wong na sangkot ito sa money laundering scandal.Iginiit ni Wong na ang mga operators na sina Ding Zhize at Gao Shuhua ang nagdala ng ninakaw na pera sa mga casino sa bansa.
Magkakasalungat Na Pahayag Ng Philrem Sa Kanilang Mga Transaksyon, Kinuwestyon Sa Ika-Apat Na Senate Hearing Sa Anti-Mon
Facebook Comments