Magkapatid na mangingisda na sakay sa lumubog na bangka, na-rescue ng PN

Nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Navy ang magkapatid na mangingisda sa karagatang sakop ng Basey, Samar.

Ayon kay Naval Forces Central Public Affairs Officer Lt. Junior Grade Frances Maye Macapinig, nagsasagawa ng maritime patrol ang Philippine Navy sakay ng PC 372 o ang BRP Alfredo Peckson sa may bahagi ng San Pedro Bay sa karagatang sakop ng Basey, Samar nang makita ang lumulubog na bangka.

Kumakaway sa kanila at humihingi ng saklolo ang mga mangingisdang sakay nito, kaya naman agad silang rumesponde.


Nakuha rin ng mga tauhan ng Philippine Navy ang lumubog na bangka at inayos para magamit ulit.

Kinilala ang mga na-rescue na sina Alberto Ellema, 78 anyos; at kapatid nitong Guillermo Ellema, 74 anyos, mga residente ng Antonio, Basey Samar.

Kwento ng dalawa sa Navy, dahil sa lakas ng alon ay nalubog ang kanilang bangka.

Sa ngayon, nai-turnover na sila sa Tacloban City Disaster Risk Reduction Management para sa medical checkup at proper disposition.

Facebook Comments