Magkapatid na pamilya Aquino, inaming nasaktan sa mga paratang ng yumaong dating Pangulong Noynoy Aquino

Aminado sina Kris, Ballsy at Pinky Aquino na lubhang nasaktan sa mga paratang at alegasyon ng mga kritiko laban sa yumaong dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Ayon kay Pinky Aquino, hinikayat nilang magkakapatid si dating Pangulong Noynoy na sabihin ang katotohanan subalit ang naging tugon lamang umano nito sa kanila ay nakakatulog pa naman umano siya sa gabi.

Paliwanag ng magkakapatid na Aquino na hinarap ni Noynoy ang mga paratang at mga akusasyon sa Sandiganbayan noong taong 2017, sa Senado noong December 2017, at Kongreso noong February 2018.


Dagdag pa ni Pinky na matapos ang mga serye ng pagdinig, hindi napatunayan ang mga paratang sa kanilang kapatid at walang anumang krimen na kinaharap.

Facebook Comments