MAGKASINTAHAN, NANAKAWAN NG MGA GAMIT SA NAKAPARADANG MOTORSIKLO SA BINMALEY

Nawalan ng mahahalagang gamit ang magkasintahan mula sa Binmaley, Pangasinan matapos manakawan ang kanilang nakaparadang motorsiklo sa kahabaan ng Baywalk ng naturang bayan.

Ayon sa biktimang si Kim Geminiano Carulla, ipinarada nila ang motorsiklo upang mag-ehersisyo noong umaga, ngunit pagbalik nila ay natuklasang nawawala ang wallet na may laman na pera, mga ID, at isang mamahaling cellphone mula sa compartment ng sasakyan.

Agad nilang iniulat sa pulisya ang insidente at humiling ng tulong upang mabawi ang mga ninakaw na gamit.

Nananawagan din ang magkasintahan na maibalik man lang ang kanilang mga mahahalagang ID, at hiniling ni Carulla na maaaring ibalik ito sa himpilan ng IFM Dagupan.

Facebook Comments