Dating kasapi ng New People’s Army – pinagbabaril sa Mallig, Isabela

218

Mallig, Isabela – Patay ang isang dating miyembro ng NPA makaraang pagbabarilin kahapon ng hapon sa compound ng munisipyo ng Mallig, Isabela.

Nakilala ang biktima na si Norlando Soriano, nasa tamang edad, body guard ni Mayor Jose Calderon ng nabanggit na bayan, tubong Nueva Ecija at pansamantalang naninirahan sa Barangay Victoria, Mallig, Isabela.

Base sa imbestigasyon, kasama ng biktima ang kaniyang asawa at sakay ang mga ito ng kanilang mitsubishi lancer at susunduin sana ang kanilang anak.


Dumating ang tatlong kalalakihan sakay ng isang sports utility vehicle at biglang pinagbabaril ang biktima.

Tatlong tama ng bala ng calibre korentay singko na baril ang tumapos sa buhay ng biktima.

Inaalam pa rin ang motibo at kung sino ang nasa likod ng naturang pamamaril.



Facebook Comments