Magnitude 5.3 na lindol, naitala ng PHIVOLCS sa Davao Occidental kaninang umaga

Hindi ramdam sa Davao Region ang naitalang Magnitude 5.3 na lindol sa Davao Occidental kaninang 5:25 ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang sentro ng lindol ay nasa labing tatlong kilometro sa silangang bahagi ng Sarangani, Davao Occidental kung saan sinasabing tectonic ang ugat nito.

Naitala naman ang Intensity I sa Don Marcelino, Davao Occidental at Malungon, Sarangani.


Takot at trauma naman ang naramdaman ng mga residente ng Davao Region sa tuwing may mga pagyanig.

Matatandaan na sunod-sunod na malalakas na lindol ang naramdaman ng mga Dabawenyo noong February 1 kung saan naitala ang magntidue 6.0 na sinundan din ng Magnitude 5.9 at Magnitude 5.6 noong March 7, 2023 kung saan apektado ang mga residente sa Davao de Oro.

Kaugnay nito, nakatakdang magpapadala ng tulong pinansyal nasa mahigit isang milyon pesos ang Davao City Local Government sa naapektuhan ng kalamidad sa nasabing probinsya.

Facebook Comments