Magnitude 6.3 na lindol sa Batangas, walang epekto sa Bulkang Taal – PHIVOLCS

Nilinaw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na ang nagyaring magnitude 6.3 na lindol na tumama sa Calatagan, Batangas kahapon ay walang epekto sa Bulkang Taal.

Matatandaang naramdaman ang pagyanig sa Metro Manila at mga kalapit pang probinsya.

Ayon kay PHIVOLCS Director Undersecretary Renato Solidum, walang kaugnayan ang lindol sa aktibidad ng bulkan.


Paglilinaw rin ni Solidum na walang banta ng tsunami at wala ring inaasahang malaking pinsalang iiwanan nito.

Pero asahan pa rin ang mga aftershocks.

Kaugnay nito, nakapagtala ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng tatlong bahay sa Lubang Occidental, Mindoro na nagkaroon ng bahagyang pinsala dahil sa lindol.

Facebook Comments