Bukidnon, Philippines – Walang naitalang casualty sa nangyaring magnitude 6.0 na lindol kaninang umaga bandang alas 5:21, ito ang pinalabas na update impormasyon ng Bukidnon Provincial Risk Reduction and Management Office.
Sa interview kay Esrael Johas Damasco Jr., Acting Provincial Risk Reduction And Management Office Head sa Bukidnon, sinabi nito na mga biyak sa mga gusali at iilang mga partial damage lamang na mga kabahayan ang natala at patuloy pa rin nilang inaalam ang initail damage sa naturang pag lindol.
Iilan sa mga kalapit na lungsod sa Bukidnon ang naapektuhan pati na rin ang lungsod ng don Carlos, Kibawi at sa Malaybalay, Bukidnon.
Pinaalalahanan din ng PHIVOLCS region 10 ang mga nakatira sa naturang mga lugar na naapektuhan dahil na rin sa sa posibilidad na meron pang mga aftershock na dala ng naturang lindol.