PNP-10, naka-full alert status na para sa ngayong summer at sa Semana Santa

26

Cagayan De Oro, Philippines – Tinawag na Ligtas Oplan Sumvac 2017 ang isinagawang paghahanda ng kapulisan sa PNP-10 ngayong summer vacation at Mahal na Araw.

Ayun kay PNP-10 spokesperson Supt. Lemuel Gonda, nakahanda na sa ngayon ang lahat ng security plan para sa region 10.

Binabantayan nila ang banta ng terorismo at anu mang lawless violence.

Bukod dito, mas pinaigting naman nila ang seguridad kung saan naka-full alert status ang lahat ng kapulisan sa iba’t-ibang unit.

Una nilang minomonitor ang mga simbahan at mga lugar na siyang pinupuntahan ng mga deboto tuwing Semana Santa.
Nation”

Facebook Comments