MILF member na kapatid ng mataas na opisyal ng grupo, napatay sa Maguindanao

27

Cotabato, Philippines – Isang lehitimong kasapi ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang napatay matapos manlaban sa operasyon ng otoridad sa bayan ng Sultan Kuldarat, Maguindanao.

Kinilala ang nasawi na si Mohaimen Abo, 35-anyos at kapatid ni MILF first Vice Chairman at BTC chairman Ghadzali Jaafar.

Si Abo ay nahaharap sa anim na kasong kidnapping for ransom, kidnapping with homicide, illegal detention at frustrated murder.

Mag-iisyu sana ng warrant of arrest ang otoridad sa suspek nang bigla itong manlaban hanggang sa mapatay.

Ikinalungkot naman ni Jaafar ang kinahinatnan ng kanyang kapatid.

Facebook Comments