Magnolia Hotshots, wagi kontra Terrafirma Dyip sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup

37

Tinalo ng Magnolia Hotshots ang koponan ng TerraFirma Dyip sa kanilang paghaharap sa nagpapatuloy na PBA Philippine cup.

Sa score na 105-83, pinangunahan ni Ian Sangalang ang Hotshots na mayroong 18 points habang 16 points naman ang nagmula kay Mark Barroca.


Nakapag-ambag din si Calvin Abueva ng 14 points at eight rebounds.

Samantala, dahil sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) simula August 6 sa National Capital Region (NCR) ay pinag-iisipan na ni PBA Commisioner Willie Marcial na ilipat sa Lipa, Batangas ang mga susunod na laro ng liga.

Facebook Comments