Manila, Philippines – Balak magpaliwanag kay Pangulong Duterte ng panel of prosecutors na nag-absuwelto kina Peter Lim at Kerwin Espinosa sa drug case. Ayon kay dating Assistant State Prosecutor at ngayon ay Lucena RTC Judge Aristotle Reyes, kailangan nilang maipaliwanag ng maayos sa pangulo ang mga butas sa kasong isinampa ng PNP-CIDG laban sa grupo nina Espinosa at Lim. Sinabi ni Reyes na pag-uusapan muna ng panel ang hinggil sa kanilang planong pagsulat kay Pangulong Duterte. Ipinaliwanag din ni Reyes na kung ipinilit nilang isampa sa lower court ang naturang kaso, mapapahiya lamang aniya sila kapag nabasura ito dahil sa kakulangan ng ebidensya lalo nat ito ay high profile case. Nilinaw din ni Reyes na hindi pa tapos ang nasabing kaso at hindi pa pinal ang nasabing desisyon Sa kabila nito, tutol naman si Reyes na sampahan ng kaso ang mga opisyal ng PNP-CIDG dahil sa mahinang kasong isinampa nito laban sa mga itinuturong drug trader ng Visayas Region.
MAGPAPALIWANAG? | Panel of prosecutors na nag-dismiss sa drug case nina Kerwin Espinosa at Peter Lim, balak sumulat kay Pangulong Duterte
Facebook Comments