MAGSASAKA, ARESTADO DAHIL SA PATUNG-PATONG NA KASO

Cauayan City – Himas rehas ang isang magsasaka matapos itong maaresto ng mga awtoridad sa Brgy. Didipio, Kasibu, Nueva Vizcaya dahil sa patung-patong na kasong kinahaharap nito.

Ang naaresto ay kinilalang si alyas “Ronel”, 22-anyos, magsasaka kabilang sa listahan ng mga Most Wanted Person sa lalawigan.

Si Alyas Ronel ay nadakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte dahil sa kasong paglabag sa RA 10883 o ang New Anti-Carnapping Act of 2016, Robbery with Violence Against or Intimidation of Persons, at Robbery in an Uninhabited Place or in a Private Building.


Samantala, umabot naman sa P500,000 na kinabibilangan ng P300,000 para sa kasong Carnapping, at P100,000 sa dalawang Robbery ang inirekomendang piyansa ng korte para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng Kasibu Police Station ang suspek para sa dokumentasyon bago ipasakamay sa korteng pinagmulan ng kanyang kaso.

Facebook Comments