Magsasaka, Arestado sa Ipinagbabawal na Gamot, Baril sa Isabela

Cauayan City, Isabela- Natimbog ang isang magsasaka dahil sa pagbebenta nito ng ipinagbabawal na gamot at pag-iingat ng baril sa barangay San Vicente, Tumauini, Isabela.

Dinakip bandang alas 11:00 ng umaga ngayong araw, Enero 16, 2021 ang suspek na nakilalang si Albino Beronilla Jr., 30 taong gulang, may-asawa, magsasaka at residente ng brgy. Namnama, Tumauini, Isabela.

Nagsanib pwersa ang mga elemento ng MDEU ng PNP Tumauini at Provincial Drug Enforcement Unit ng Isabela Police Provincial Office (PDEU-IPPO) upang isagawa ang drug buybust operation laban sa suspek kung saan nagpositibo naman ito matapos mabentahan ng suspek ng isang (1) sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana ang isang pulis na nagpanggap na poseur buyer kapalit ang halagang Php500.00.


Habang kinakapkapan ang suspek ay nakuha sa pag-iingat nito ang isang (1) Caliber 38 na baril at isang unit ng cellphone.

Nasa kustodiya ngayon ng Tumauini Police Station ang suspek kasama ang mga nakuhang ebidensya para sa dokumentasyon at disposisyon.

Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act at paglabag sa RA 10591 ang suspek.

Facebook Comments