Secretary Panelo sinabing ipangtatapat lang sa kanya si Amal Clooney kaya ito papasok bilang abogado ni Maria Ressa

 

Naniniwala si Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo na posibleng naghahanap lang si Maria Ressa ng kanyang katapat matapos sumali sa mga abogado ni Ressa si Amal Clooney na kilalang Human Rights Lawyer.

 

Ayon kay Panelo, talagang naghahanap lang ng kanyang katapat si Ressa dahil sa tuwing nagdedebate sila ay naaawa siya rito kaya kailangan nitong makakuha ng isang magaling na abogado na ipangtatapat sa kanya.

 

Sinabi rin naman ni Panelo na welcome parin ang hakbang ni Ressa.


 

Kasabay nito ay sinabi ni Panelo na hindi naman maaaring kumatawan si Clooney sa korte sa bansa dahil hindi naman ito miyembro ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) pero maaari naman aniya itong maging consultant ng kampo ni Ressa.

Facebook Comments