Magsasaka at Mekaniko, Huli sa pag-iingat ng mga Baril at Bala

Cauayan City, Isabela- Arestado ang dalawang (2) katao sa magkahiwalay na operasyon ng pulisya hinggil sa kampanya ng loose firearms ng mga otoridad kahapon, August 7 sa Lalawigan ng Isabela.

Kinilala ang mga suspek na sina Harold Nicolas, 44-anyos, may-asawa, isang magsasaka at residente ng Brgy. Santos, Quezon, Isabela at si Ferdinand Ambre alyas Fernan, 61-anyos, biyudo, mekaniko at residente ng Purok 2, Brgy. Lanna, Tumauini, Isabela.

Dinakip bandang 5:10 ng mga tauhan ng Quezon PS sa pangunguna PCPT Rouel Meña, Chief of Police at Provincial Explosive and Canine Unit (PECO Isabela) sa pangunguna ni PEMS Elias Mangoma sa bisa ng search warrant.


Nakumpiska kay Nicolas ang isang (1) unit) ng 12-gauge shotgun, isang 1(1) caliber 38 revolver; dalawang (2) homemade pistolized shotgun (paltik);mga bala ng gauge shotgun at caliber 38 revolver; isang (1)caliber 45; isang (1)silencer ng caliber 45 at isa pang armory bag at isang holster ng cal.38.

Samantala, bandang 6:32 kahapon ng umaga ng isilbi ang search warrant laban kay Ambre na nagresulta ng kumpiskasyon ng mga bala ng caliber 9mm.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act)

Facebook Comments