Magsasaka, Ginahasa ang Sariling Anak!

Iguig, Cagayan – Arestado ang isang lalaki matapos gahasain ang kanyang anak sa bayan ng Iguig, Cagayan kamakaylan lamang.

Kinilala ang suspek na si Rene Bauat, 40 anyos at magsasaka samantalang ang biktima at sariling anak naman ay itinago sa pangalang Karol, siyam na taong gulang, mga pawang residente ng Barangay Manaoag, Iguig, Cagayan.

Sa ibinahaging impormasyon ni IOC SPO1 Jannet Salvador sa RMN Cauayan News Team, nasa kusina umano ang bata ng biglang lapitan ito ni Bauat at paghahalikan.


Aniya, tinanggal umano ng suspek ang suot na damit ng biktima at tuluyang ginahasa.

Agad umanong nagsumbong ang bata sa kanyang mga kasama sa bahay na naging dahilan upang madakip ang suspek.

Dinala ang biktima sa ospital upang ipasuri samantalang napag-alaman sa imbestigasyon ng pulisya na positibo sa alak si Bauat.

Nasa kostudiya ngayon ng PNP Iguig ang bata at nakatakda namang patawan ng kaukulang parusa ang suspek.

Facebook Comments