Sikyu patay sa pamamaril habang sugatan ang isang kawani ng gobyerno

Isa ang patay habang isa naman ang sugatan sa nangyaring pamamaril kahapon 4:15 ng hapon sa maria clara street sa likod lamang ng Sero Elementary school sa mother barangay Rosary Heigths. Kinilala ang nasawi nasi Glitter June Asotic DelaCruz 22 anyos,isang security officer ng Philguard at dating cadete ng PMA na residente ng barangay Malayan Mlang north cotabato, habang tinamaan naman ng stray bullet si Senen Redavella 50 anyos,isang kawani ng gobyerno, na tinamaan sa tiyan. Ayon sa inisyal na inbestigasyon, ng PP2 sakay ng kanyang Honda XRM ang sikyu ng sundan ng hindi pa nakikilalang suspect at walang kaabog abog na binaril sa ulo, na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan, na dumiretso ang bala sa isang 50 anyos na si Senen. Matapos ang krimen ay mabilis namang tumakas ang suspect..Sa ngayon ay nagpapatuloy parin ang inbestigasyon ni PCI Efren Salazar inaalam kung anu ang motibo sa insedente.

Facebook Comments