MAGSASAKA, NAHULIAN NG BARIL SA ISINAGAWANG SEARCH WARRANT

CAUAYAN CITY – Nagsagawa ng search warrant ang mga operatiba ng Provincial Intelligence Unit (PIU) ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPO) katuwang ang Bambang Municipal Police Station (MPS) sa Purok 1, Brgy. San Leonardo, Bambang, Nueva Vizcaya.

Nagresulta ang operasyon sa pagkakaaresto ng isang indibidwal na kinilalang si alyas “Yam”, 70-anyos, may asawa, isang magsasaka ay residente sa nabanggit na lugar.

Nakuha mula sa suspek ang isang (1) unit ng super .38 caliber pistol, 1 unit ng magazine, at tatlong (3) live ammunition ng super. 38 caliber.


Matapos ang operasyon ay dinala ang suspek at mga ebidensya sa Bambang MPS para sa dokumentasyon.

Mahaharap si alyas “Yam” sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Facebook Comments