KABAYANIHAN NG 44 SAF MEMBERS, MULING INALALA NG PRO2

CAUAYAN CITY – Muling kinilala ng kapulisan ng Provincial Regional Office 2 (PRO2) ang kabayanihan ng apatnaput’ apat na miyembro ng Special Action Force (SAF) sa pamamagitan ng pagsasagawa ng commemoration service sa SAF 44 Monument.

Ang 44 SAF members, kung saan anim sa mga ito ay mula sa Lambak ng Cagayan, ay nasawi matapos ang sagupaan ng SAF at mga rebeldeng grupo sa Mamasapano, Maguindanao, noong ika-dalawamput lima ng Enero taong 2015.

Sa mensahe ni Police Brigadier General Antonio P. Marallag, Jr., binigyang-diin nito na hindi makalimutan ng bansa ang ginawang kabayanihan ng mga fallen heroes.

Pinaalalahan din nito ang mga sundalo sa patuloy na pagbabantay ng kapayapaan at katahimikan sa komunidad.

Ang aktibidad ay alinsunod sa Presidential Proclamation No. 164 ng Malacañang kung saan tuwing ika-dalawamput lima ng Enero ay ang National Day of Remembrance bilang pagbibigay pugay sa SAF 44.

Facebook Comments