Magsasaka, Nakaligtas sa Tangkang Pananaga ng Bayaw!

97

Cauayan City, Isabela- Nakaligtas sa tangkang pagpatay ng mismong bayaw ang isang magsasaka sa Brgy. Sta Clara, Gonzaga, Cagayan.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, habang kinukuha ng biktimang si Albert Claro, 37 anyos, walang asawa, residente ng naturang lugar ang mga pinatuyong palay sa pavement ng harap ng bahay ng kanyang bayaw na kinilalang si Benito Guerero, 56 anyos, byudo, at residente rin sa lugar.


Nilapitan ng suspek ang biktima at pinilit umano na pumasok sa loob ng kanyang bahay dahil mayroon itong importanteng sasabihin.

Habang sila’y nasa loob ng bahay ay agad na kumuha ng itak ang suspek at itinaga sa leeg ng biktima subalit nakaiwas ang huli at nagtamo lamang ng konting sugat sa leeg.

Isinunod na kinuha ng suspek ang kanyang improvised homemade shotgun at itinutok sa mukha at dibdib ng biktima subalit agad itong nakatakas at nagtungo sa himpilan ng pulisya.

Agad namang rumesponde ang kapulisan at matagumpay na naaresto ang suspek.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang itak at homemade shotgun na ginamit ng suspek.




Facebook Comments