Magsasaka, Naospital Matapos Tagain ng Tanod!

Kapwa nakaratay ngayon sa isang pribadong pagamutan sa bayan ng Naguilian, Isabela ang isang magsasasaka at barangay tanod nang magka- alitan habang nag-iinuman.

Ang mga biktima ay nakilalang sina Rolando Mendoza, 63 anyos, isang balo na kasalukuyang barangay tanod at Alejandro Lalantan, 47 anyos, may asawa isang magsasaka at kapwa residente ng brgy. Lucban, Benito Soliven, Isabela.

Batay sa pagsisiyat ng mga imbestigador, habang nag-iinuman ang dalawa ay nagkaroon ang mga ito ng mainit na pagtatalo.


Umiwas ang barangay tanod at nagtungo sa kanyang bukid ngunit lingid sa kaalaman nito na siya’y palihim na sinundan ni Lalantan at dito na pinaghahampas sa ulo at ibat ibang bahagi ng katawan ang Tanod gamit ang 16mm na bakal.

Dumepensa naman ang Tanod kaya’t tinaga naman nito ang ulo ni Lalantan.

Agad namang rumesponde ang mga barangay Officials sa lugar matapos mapag alaman ang pangyayari kaya’t agad na nadala sa pagamutan ang dalawang sugatan sa tulong na rin ng rescue unit ng naturang bayan.

Sa ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad ang dahilan ng pagtatalo ng dalawa na kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan matapos magtamo ng malalalim na sugat sa ulo at katawan ang dalawa.

Facebook Comments