Magsasaka, Natagpuang Patay

Ramon, Isabela- Natagpuang wala ng buhay ang isang magsasaka alas tres ng hapon, ng January 1, 2017 sa isang irigasyon ng sakahan sa Oscariz, Ramon, Isabela.

Nakilala ang biktima na si Jhermie Santos y Anches, 24 anyos, may asawa at tubong Oscariz, Ramon, Isabela.

Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP Ramon, maagang umalis ng bahay si Jhermie upang bisitahin at linisan ang kanyang noong Disyembre 31, 2017 nang hindi na ito nakabalik.


Hinanap ng ina at asawa ng biktima si Santos ngunit ng kanilang matagpuan ay wala ng buhay at nakalublob sa kanal ng bukid na may lalim na tatlong talampakan na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Ayon sa ibinahaging impormasyon ng pamilya ng biktima, may dinaramdam umanong sakit si Santos ng magtungo sa kanyang bukid at minsa’y inaatake rin ng kanyang sakit na epilepsy.

Hindi na rin paiimbestigahan ng pamilya ng biktima ang nangyaring insidente dahil naniniwala ang mga ito na aksidente lamang ang pagkamatay ng biktima dahil sa sakit nitong epilepsy.

Facebook Comments